Cursed backyard

Cursed backyard

Grade 3 ako ng nangyari sa akin ito. December nun at parating na ang pasok kaya pumunta kami ng Manila ng family ko para doon i celebrate. First night ko nun sa. So ff, nung nakarating kami, hapon na nun, nagdecide kami magpinsan na ikutin yung compound pati na rin yung bakanteng space sa likod na parang backyard kasi may mga nakatanim na malunggay non. Hahaha weird kasi ang lapad talaga nung space. Pagbalik namin tinanong kami ng tita namin san daw kami galing, sinabi namin sa likuran lang, tapos biniro nya kami na may engkanto daw dun at namatay, tawa tawa lang kami magpipinsan sabay tuksuan. FF ulet. Nung kinagabihan, nung tulog na ang lahat.. Nagising ako bigla, may narinig akong tumatawa ng mahina. Pag tingin ko sa left side ko, which is yung bintana, may nakita akong dalawang dwende. Shit talaga. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumabas. Nagtakip ako ng kumot nun. Pinagpapawisan na ako. Pinilit kong matulog ulit pero hindi parin ako makatulog. After ilang minutes tiningnan ko ulit yung bintana, wala na sila. Then pag tingin ko sa harap, nakita ko yung kuya ko na tumalon, yung tipong parang ninja2. Umupo ako sa kama, tiningnan ko kung nasa sahig ba sya, pagtingin ko wala. Ginising ko si ate Anne, yung pinsan ko para sabihin sa kanya.. Sabi nya baka nanaginip daw ako ng gising. After nun, matutulog na sana ulit ako… Nang biglang nakita ko na naman yung dalawang dwende. Ayun na nag sisisigaw na ako.. Tapos yung lola at tita ko pumunta na sa kwarto namin.. Pinapakalma ako nun.. Sigaw kasi ako ng sigaw kasi nakikita ko talaga sila, tawa sila ng tawa at tinatakot ako.. Pinahiga ako nun sa lap ng lola ko tapos nagpepray na sila, nakita kong may hinawakan ng lola ko yung ulo ko, yung parang pina pat.. Pero pagtingin ko sa kamay.. Kamay ng lalaki, naaalala ko pa, naka relo sya tsaka pagtingin ko sa mukha, creepy talaga na parang multo or what.. Sigaw ako ng sigaw at pilit inalis yung kamay nya. Sa sobrang takot nina tita pinasuot ako ng rosary.. Dun na ata ako hinimatay.. Di ko na maalala nangyari after nun. Kinuwento nalang sakin kinabukasan. I’ve been sick the whole stay ko sa Manila. Pramis. Gumaling lang ako nung nakauwi na na kami samin.. Idk why pero naaalala ko parin lahat. Kala ko panaginip lang or bangungot, pero nung triny kong kinuwento kina tita sabi nila nangyari daw talaga sa akin yun. Minsan tinutukso pako ng kuya baka yung dwende daw dahilan bakit di ako tumangkad. Ptangina diba. Hahahahaha. Well, yun lang. Haha.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: