Haunted Office

Haunted Office!

“Lan Cable” (Cable for network)
Naghire ng outsource ang company namin para magcable para sa mga computers. 3 mga lalaki ang nahire. Ginagawa nila eto pag gabi para hindi makaistorbo sa mga nagtratrabaho. Pinapadaan yung mga lan cable sa kisame kaya kailangan umakyat at lumusot ng 2 sa kisame habang nakaabang ang 1. Nung nalagay na daw nila sa kisame ang mga cable kailangan na nila etong hilahin pababa. Habang hinihila nila parang may pumipigil, kaya kailangan ulit nilang akyatin ung kisame kung saan ung nastuck. Akyat ulit ang 2, nung nasa kalagitnaan na daw sila may nakita silang babaeng nakaputi hawak ang kabilang dulo ng cable at nakangiti sa kanila. Halos natalon daw nung 2 lalaki mula kisame hanggang sa baba sa takot sabay takbo palabas. Hindi na daw nila natapos ung trabaho kaya ibang contractor na ang tumapos ng trabaho. Ang balita namin hindi na bumalik ung mga lalaking yun dahil sa takot.

“Elevator”
Katatapos lang ng overtime ni Sir Ace, pababa na daw sya kaya kailangan nya mag elevator. May mga kwento na din sa elevator namin kaya medyo kinakabahan syang bumaba. Pagbukas ng elevator may sakay na isang lalaki kaya medyo hindi sya natakot. Pagpasok nya pinagmamasdan daw nya ung lalaki. Medyo may edad na daw pati nakayuko lang. Maya maya naglakad na ang matanda palabas ng elevator. Hindi pa daw bumubukas ung elevator nang biglang tumagos yung matanda sa pinto. Natulala daw sya at nawalan ng malay. Pagkagising nya nasa ground floor na sya at nakapalibot ung mga officemates nya.

“Bag”
May 1 department samin na 24/7 ung work nila. Isang gabi daw iniwan ni Sir Kel ang bag nya sa baba ng table nya. 2 nalang silang tao nun at yung kasama nya na isa ay kumain muna. Habang nagtatrabaho sya napansin nya ung bag nya nasa taas na ng table. Isip sya kung inakyat nya ba un. Kaya ibinaba nya ulit. Maya maya nasa taas ulit ng table nya. Wala naman sya kasama pa kaya kahit kinakabahan binaba nya nalang ulit. Pagdating ng kasama nya napansin nya ulit nasa taas na ulit ung bag nya. Medyo kinikilabutan na sya. Hanggang sa nakauwi daw sya ng bahay parang pinaglalaruan pa rin ang bag nya, para daw sumama pa sa kanila kung anong meron sa opisina. Kaya pinagdasal nalang nya ang kaluluwa nito at nakiusap na bumalik na sana eto sa opisina.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: