Midwife na Aswang

Midwife na aswang

Nangyari ito nang manganak ang lola ko sa panganay nyang anak. Si fely (di tunay na name) usap usapan sa kanilang barangay na isang aswang, na isa rin midwife. Minsan nagkasalubong ang lola ko at si fely, lumapit si fely kay lola at sinabi na “malapit na” sabay himas sa tiyan ni lola. Sa takot ay mabilis na umalis si lola.

Lumipas ang mga araw, lagi nyang nakakasalubong si fely. Pero agad naman umiiwas si lola. Tuwing gabi ay may naririnig sila lola na kaluskos sa bubong, agad kinuha ni lolo ang itak at sumigaw sya na kung hindi sya titigil ay papatayin nya ito. Hanggang sa wala na silang narinig na kaluskos. Sumunod na gabi, kabilugan ng buwan ay nakaramdam si lola ng pananakit ng tiyan nya. Na parang any moment lalabas na ang baby.

Agad na tumawag ng midwife si lolo ngunit wala ni isa syang nahanap dahil nga sa alanganin na oras na. Nakasalubong ni lolo si fely na para bang masaya ang itsura. “Manganganak na sya” sambit ni fely, nagvolunteer sya na sya nalang mismo ang magpaanak kay lola.

Dahil wala ng choice si lolo ay tinanggap ang alok ni fely. Nang makarating sa bahay ay nakita ni lola si fely, agad syang natakot lalo na nang makita nya na naglalaway ito. Ngunit hindi natakot si lolo kay fely, habang nilalabas ni lola ang baby ay nakabantay si lolo sa harap at may hawak na malaking itak. If ever na may mangyari ay mapapatay nya si fely.

Ligtas nman na nakapanganak si lola pero nung tinignan ni lolo ang baby ay sobrang linis nya. Wala man lang nakita na dugo sa bata. At biglang nawala si fely, nagpasalamat si lola dahil hindi sila napahamak.

Salamat po sa mga nagbasa. Pasensya na po medyo magulo at medyo short ang story, first time lang po kase.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: