Party Turned Tragedy

Party Turned Tragedy

Taong 2000 ay nagdesisyon sina Mama at Papa na lumuwas kami ng Maynila para dito na mamuhay. Pagta-taxi ang naging hanapbuhay ni Papa noon. Mahilig magkwento si Papa ng mga tungkol sa naisasakay nyang pasahero. Pero ang pinaka-hindi namin malilimutang kwento ay nangyari noong March 12, 2001.

May pumara sa kanyang isang binatang may kasamang dalawang kaibigan. Ang isa ay umupo sa harapan, ang dalawa naman ay sa likod. Sinabi ng mga ito ang kanilang eksaktong destinasyon pero dahil hindi pa masyadong pamilyar si Papa sa mga pasikot sikot ng Metro Manila nung panahong yun ay nakiusap syang ituro ng mga binata ang lokasyon pagdating sa Timog. Pumayag naman sila. Marami raw pinagkukwentuhan ang tatlong binata, mula sa mga nangyari sa school, mga babaeng gusto nilang ligawan, hanggang sa pagiging excited nila sa pupuntahan nilang party.

Nang makarating na sila sa destinasyon nila ay nauna nang bumaba ang dalawa at ang isa naman sa likuran ay naiwan para sa bayad. Habang hinihintay ni Papa ang bayad ng binata, tumingin-tingin daw muna sya sa paligid para ma-familiarize nya ang lugar. “Manong eto po bayad.” Pagtingin ni Papa sa likod ay wala na ang binata. Bumaba sya para hanapin ang mga binata pero wala siyang nakita ni isa sa mga ito.

Nanatiling palaisipan kay Papa ang pangyayaring yun at tuwing napapadaan sya sa lugar na yon ay naaalala nya yung gabing naisakay nya ang tatlong binata. Hanggang sa isang araw ay may naging pasahero syang dalawang babaeng na nagkukwentuhan tungkol sa pagkakaligtas nila sa isang trahedya at eto ang tumatak sa kanya…

GIRL 1: Buti nalang hindi ka pinayagan nun, alam mo namang papayagan lang din ako kapag kasama ka.

GIRL 2: Oo nga e. Grabe yung nangyari dyan sa Ozone no? Kung nagkataon siguro kasama tayo sa mga namatay sa sunog.

Naalala ni Papa ang binatang pumara sa kanya noong March 12, 2001. “Manong, Ozone Disco po sa Timog.”

Naalala ko ang kwentong ito nang lumabas ang article na ito sa newsfeed ko: http://www.rappler.com/…/k…/87521-1996-ozone-disco-club-fire

Sana ay tuluyan nang matahimik ang mga kaluluwa ng mga biktima ng trahedyang ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: